Maraming mga bagay na dapat na nating kalimutan upang hindi na muling masaktan. Maraming ding bagay na kailangan nang tapusing dahil alam naman nating sa simula pa lamang ay wala na talagang patutunguhan. Ngunit higit sa lahat, may mga taong kailangan tayong magpaalam. Hindi dahil iyon ang wakas ng ugnayan kundi upang maglakbay ng matiwasay sa gusto nating puntahan. Ang maari na lamang nating gawin ay ang magpasalamat sa pagiging parte nila sa ating paglalakbay. Hindi sa lahat ng panahon ng pagsasama ay kasayahan lamang ang natira, may mga hinanakit at sugat na maaring nalikha ng hindi sinasadya na kailangang hilumin at panahon lamang ang makapagsasabi kung handa ka na magpatawad at sumubok muli. Hapdi at kirot man and hatid nito ngayon, maaring sa huli ay kaligayahan din ang bumalot. 
Sa aking paglalakbay noong nakaraang taon, marami akong nakilala at nakasama, ang iba ay naging kaibigan ngunit hindi mo maiiwasang may masaktan. Sa mga taong aking nakasalamuha, hindi sapat ang salamat lang sa pagiging bahagi niyo sa aking buhay sapagkat sa haba ng aking nilakbay, alam kong marami akong natutunan, hindi niyo man alam kayo ay aking pinahalagahan. Nadapa man ako, asahan niyo ang aking pagbangon at ako ay muling ngingiti at maglalakbay muli.